Napakahalagang mabakunahan ang ating mga mag-aaral para maging mas maging malusog ang buong komunidad.
Pagkatapos ng maiksing programa, nag "surprise visit" kami nina Sec. Duque at Cong. Roman Romulo sa E.R. ng Pasig City General Hospital (#PCGH). Hindi madaling proseso ang pagpapaganda ng isang ospital, pero sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa DOH at iba pang eksperto, malapit na po matapos ang "rapid assessment" o pagsusuri ng mga kalakasan at kahinaan ng sistema.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang medical assistance at iba pang programa ng LGU. Ngunit dahil alam natin na kulang na kulang pa ito, tuloy-tuloy ang trabaho hanggang maging abot-kamay sa lahat ng Pasigueño ang kalidad na serbisyong medikal.
0 Comments
Mag-post ng isang Komento