Loading...
Alam ng buong Pasig kung sino ang tinutukoy ng simbolong ito. Ang dating alkalde na kumakatawan sa apilyedo ng kanilang pamilya na namuno sa lungsod sa loob ng 27 taon, ang mga Eusebio.
Umabot na sa mahigit 700 likes, 258 shares ang naturang post at umani ng 160 comments, ang iba ay pabor, ang iba naman ay tutol.
“Inuna nyo pa yan! Wala kasi kayong ginagawa kaya kung ano-ano naiisip niyong gawin! Ilang libong poste yan? Sayang lang ang oras walang epekto yan [sa] ekonomiya ng Pasig! Pambihirang pagbabago yan!” sabi ni Sharon Mariano na halatang maka-Eusebio.
“Tapalan nyo na lang po tapos saka ilagay yong “Pasig City” at pinturahan para mas maganda. At sana alisin na din mga gate na may “E,” suhestiyon naman ni Mary Nunag na halata namang maka-Vico.
“Buti tinitiktik na. Masakit na sa mata yan puro “e” na lang nakikita mo. Parang nabili mo na tao dito sa Pasig. Parang sayo na ang Pasig. Ibang klase ka talaga E,” sabi naman ni Michael Guevarra na ang tinutukoy ay si dating mayor Bobby Eusebio.
Walang opisyal na pahayag ang opisina ni Mayor Vico Sotto kung pormal na ba niya itong ipinag-utos o hindi.
Ngunit ayon sa ating source, wala pang ipinapalabas na utos ang kasalukuyang alkalde sa bagay na ito.
Matatandaan na pagkatapos manalo ni Sotto nitong nakaraang halalan, pinayagan niya pansamantala na ilagay sa kanto ng Rotonda ang isang pagbati na naka-imprenta sa malaking tarpaulin kasama ang kaniyang mukha.
Subalit dakong huli, iniutos ni Vico sa kaniyang mga supporters na tanggalin na iyon at binabanggit niya sa kaniyang mga post sa social media na ayaw niyang maging “epal.”
Ang tinutukoy ni Sotto ay ang karaniwang ginagawa ng mga politiko na inilalagay ang kanilang pangalan sa lahat halos ng mga proyekto ng pinamumunuang bayan, lungsod, probinsiya o kahit pa nga sa barangay level lamang.
0 Comments
Mag-post ng isang Komento