Loading...
Dalawang matataas na opisyal ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Lungsod Pasig ang sinuspende ni Mayor Vico Sotto at without pay habang patuloy nilang iniimbestigahan ang mga ito dahil sa pagkakasangkot sa di-umano’y korapsyon.
Matatandaan na ipinasara on the spot ni Sotto ang commissary ng Razon’s of Guagua sa Brgy. Bagong Ilog dahil sa paglabag ng mga ito sa environmental laws partikular na ang hindi paglalagay ng STP.
Ang sewerage treatment plant o STP ay isang uri ng maintenance ng malinis na drainage system na ginagamit ng mga planta upang ang inilalabas nitong waste water ay aagos sa mga kanal ngunit hindi makakasira sa kalikasan.
Ayon pa kay Sotto, nakakatanggap sila ng mga ulat mula sa mga inspektor at pangkaraniwan na lamang di-umano, na kabaligtaran ang kanilang gagawin kapag may nakita silang paglabag.
“Kung nais nating maging malinis ang ating mga ilog, kailangan nating ipatupad ang batas pangkalikasan nang walang takot at pinapaboran… nang walang panunuhol at protektor,” ang pahayag ng alkalde.
Sinabi pa ni Sotto sa kaniyang post na patuloy niyang gagawin ang pagsugpo laban sa korapsyon na isa sa kaniyang 5 agenda na ipinangako sa mga Pasigueño noong panahon ng pangangampanya.
0 Comments
Mag-post ng isang Komento