INAPRUBAHAN na ng City Council na maidagdag ang Ayala Malls Feliz sa mga sinehan para makapanuod ng libre ang mga Senior Citizen at Persons With Disabilities (PWDs) ng Lungsod Pasig.

Ang Ayala Malls Feliz ay matatagpuan sa Ligaya area ng Santolan sa Marcos Highway at bilang karagdagan sa naunang tatlong mall na may sinehan: Robinsons Metro East, Ayala Malls The 30th at SM East Ortigas.

Loading...


“Idinagdag natin ang Ayala Malls Feliz upang may iba pang mapagpipilian ang ating mga PWDs at lolo’t lola para makapag-enjoy sila kasama ng kanilang mga anak at apo,” ang sabi ni City Councilor Junjun Concepcion.

Karagdagan pa, inaprubahan na rin ng Konseho ang P500,000 bilang contingency fund sakaling hindi sasapat ang inilaang pondo ng lokal na pamahalaan.

“Ito ay assurance natin sa ating mga partner cinemas na seryoso ang administrasyon ni Mayor Vico Sotto sa programang ito. Sinisiguro natin sa kanila na babayaran natin ang anumang pinasiyal na obligasyon mayroon tayo sa kanila,” dagdag pa ni Concepcion.

Sinuportahan ng buong Konseho ang panukala at inaprubahan agad ang resolusyon sa araw na isinumite ito.

Maki-balita sa Pasig News sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!

pasig city government officials 2018  pasig city map  pasig city logo  population of barangays in pasig city  pasig city councilors 2018  pasig city hall mission vision  list of pasig city ordinances  pasig city health office vico sotto for mayor  vico sotto bar exam  vico sotto campaign  vico sotto height  vico sotto credentials  vico sotto vs eusebio  vico sotto cousins  vico sotto house