Nilagdaan na sa isang kasunduan kamakailan ang Metro East and West Transport Service Cooperative (MEWTSC), na may hawak sa ruta ng Pasig-Quiapo at GAZelle Motors Corporation para sa unang delivery ng 15 units ng Gazelle Next Citiline mini bus.

Loading...
Ang GAZelle Motors Corporation ay ang exclusive distributor sa bansa ng Russian-made vehicles sa ilalim ng Gaz Group, ang pinakamalaking manufacturer ng commercial motor vehicle sa bansang Rusya.

Ayon kay Melquiades Daria, Chairman ng MEWTSC, aalisin na nila ang mga lumang UV Express na sasakyan at papalitan ng mga mini bus.


“Susundin namin ang kahilingan ng pamahalaan tungkol sa PUV modernization program. Mula sa siksikan at hindi komportableng UV Express vehicles ngayon, papalitan natin ito ng mas moderno at maalwan na mga behikulo,” ang sabi ni Daria.

Batay sa bagong alituntunin ng transport modernization program, aalisin na ang “entry/exit” sa likuran ng sasakyan tulad ng ilang sasakyan na ginagamit ngayon.

Maki-balita sa Pasig News sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!

pasig city government officials 2018  pasig city map  pasig city logo  population of barangays in pasig city  pasig city councilors 2018  pasig city hall mission vision  list of pasig city ordinances  pasig city health office vico sotto for mayor  vico sotto bar exam  vico sotto campaign  vico sotto height  vico sotto credentials  vico sotto vs eusebio  vico sotto cousins  vico sotto house