Loading...
Ito ay upang bigyan ng trabaho ang mga Senior Citizen at PWDs sa lungsod na makapag-trabaho sa lahat ng McDonald’s branch sa Lungsod Pasig.
Ayon kay Konsi Rhichie hindi lalampas sa apat (4) na oras ng trabaho ang para sa mga Senior Citizen at walo (8) oras naman para sa mga PWDs tulad ng pipi’t bingi sa loob ng 6 na buwan.
Ito aniya ay upang mabigyan ng oportunidad na makakuha ng trabaho, itaas ang kanilang dignidad, maging kapaki-pakinabang pa sa komunidad, makinabang sa kanilang pinaghirapan at ipakita na kaya pa nilang tumayo sa sariling paa.
“Tayo ay patuloy na makikipag-usap at maghahanap pa ng paraan na ang mga lolo’t lola na gusto pang magtrabaho, [maging] ang mga may kapansanan ay magkaroon ng pagkakataon na kumite sa sariling pagod [sa kabila] ng kanilang [pisikal na] kalagayan,” ang sabi ni Brown.
Ayon pa sa konsehal, hihikayatin pa niya ang iba pang mga kumpanya sa katulad na kategorya ng serbisyo upang bigyan ng job opprtunites ang mga Senior Citizen at PWDs sa lungsod.
0 Comments
Mag-post ng isang Komento