Patay ang isang factory worker matapos tambangan ng 2 lalaki sa bahagi ng GSIS Road sa Catalina Subdivision sa Rosario, Pasig City nitong Miyerkoles.
Ayon kay Pasig City Police chief Moises Villaceran, nangyari ang pamamaril bandang alas-7 ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Benigno Aria, 34 anyos. Agad ring umalis sa lugar ang 2 salarin nang matiyak na patay na si Aria.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtago umano ang biktima dahil may mga banta raw ito sa buhay.
Dagdag ni Villaceran, kilala sa lugar ang lalaki sa alyas na "Kambal Pusher."
Inaalam na Pasig police kung may katotohanan ang inisyal nilang natanggap na impormasyon na sangkot sa pagtutulak ng droga ang biktima.
pasig city government officials 2018 pasig city map pasig city logo population of barangays in pasig city pasig city councilors 2018 pasig city hall mission vision list of pasig city ordinances pasig city health office vico sotto for mayor vico sotto bar exam vico sotto campaign vico sotto height vico sotto credentials vico sotto vs eusebio vico sotto cousins vico sotto house
0 Comments
Mag-post ng isang Komento