PAIIGTINGAN pa ni Pasig City Vice Mayor Iyo Caruncho Bernardo ang kampanya laban sa mga sex offenders sa lungsod bunsod ng kalunos-lunos na dinanas kamakailan ng mga batang babae na ginahasa at pinatay sa barangay Pineda, Rosario at San Joaquin kung saan ang mga suspek ay hindi mga taga-Pasig.
Sa isang panayam kaninang umaga, pinasalamatan ni Bernardo si Konsehal Rodrigo Asilo, ang may-akda ng Migrancy Ordinance, ngunit dahil sa nangyari, isang ordinansa pa ang binubuo ng bise-alkalde upang palawakin pa ito.
Batay sa binubuong ordinansa, sasakupin na nito hindi lamang ang mga migrants (dayo) kundi pati na rin ang mga transients o pansamantalang manunuluyan sa lungsod.
Hihilingan ng NBI at Police clearance ang hindi mga taga-Pasig na maninirahan, maghanap-buhay, mag-aaral o pansamantalang manunuluyan.
Magkakaroon din ng neighborhood watch team sa bawat komunidad at bubuo ng isang sexual offenders’ database sa bawat barangay para sa monitoring ng mga ito.
Makikipag-ugnayan sa peace and order committee, PNP at iba pang opisina ng lokal na pamahalaan ang bubuuing adhoc committee ng city council, maliban pa sa mga opisyal ng barangay, SK, civil societies at NGOs.
pasig city government officials 2018 pasig city map pasig city logo population of barangays in pasig city pasig city councilors 2018 pasig city hall mission vision list of pasig city ordinances pasig city health office vico sotto for mayor vico sotto bar exam vico sotto campaign vico sotto height vico sotto credentials vico sotto vs eusebio vico sotto cousins vico sotto house
0 Comments
Mag-post ng isang Komento