Kahapon lang ay nagkaroon ng LIVE bidding para sa tablets/laptops para sa susunod na school year na ipinakita din sa kanyang Facebook account.
AUTOMATIC pong makakatanggap ang mga estudyante ng mga pampublikong paaralan natin. Wag po maniwala sa mga lider lider kuno na nagpapa-signup. Sa deped/schools officials lang po tayo magtanong at makinig. - ayon kay Sotto
loading...
Ongoing naman po ang Pasig City Science HS Stakeholders Convergence. Kung magiging matagumpay ang shift natin papuntang distance learning, kinakailangan ang tulong at partisipasyon ng mga guro, magulang, mag-aaral, pamahalaan, atbp. - sabi pa ng alkalde.
Nauna ng sinabi ni Sotto na magpapatuloy ang pasukan sa Pasig sa tulong ng LGU at ng DepEd para sa Blended Learning.
SHARE this news to our fellow Pasigueño!
0 Comments
Mag-post ng isang Komento