File footage - Pasig City Hall (Pasig; 01-28-2015) HD - YouTube
May alok na pautang ang lokal na pamahalaan ng Pasig para sa kanilang mga residenteng nawalan ng trabaho o negosyo ngayong may pandemya.

Sa ilalim ng Tulong At Pampuhunang Ayuda para sa Taga-Pasig (TAPAT) program, P5,000 ang maaaring i-loan ng mga nawalan ng trabaho at kailangan ng pinansiyal na tulong sa paghahanap ng trabaho.


Nasa P10,000 naman ang maaaring utangin ng mga apektadong may negosyo o kahit ang mga gustong mag-negosyo.

Requirement lamang sa loan ang pruweba na naapektuhan ang trabaho o negosyo mula noong enhanced community quarantine.

"Basta Pasigueno, 18 years old pataas at walang trabaho sa kasalukuyan," ani Pasig Mayor Vico Sotto.


loading...
"Sa unang taon ng loan walang babayaran, zero. sa pangalawang taon ng loan, by installment pero zero-percent interest pa rin. Magkakaroon pa lang ng interest on the third year," ani Sotto.

Sa kabuuan, nakapaglaan ng P200 milyon ang Pasig sa programang TAPAT, na inaasahang magkakaroon ng hanggang 40,000 benepisyaryo.




Sa ngayon, ayon kay Sotto, pinakamaraming aplikante ang mga gustong magnegosyo at gustong makabawi sa kanilang pagkalugi.


SHARE this news to our fellow Pasigueño!

Maki-balita sa PASIG sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!

pasig city government officials 2018  pasig city map  pasig city logo  population of barangays in pasig city  pasig city councilors 2018  pasig city hall mission vision  list of pasig city ordinances  pasig city health office vico sotto for mayor  vico sotto bar exam  vico sotto campaign  vico sotto height  vico sotto credentials  vico sotto vs eusebio  vico sotto cousins  vico sotto house