"Walang maninigil ng sobra", yan ang banta ni Pasig Admin Volta Delos Santos sa mga mapagsamantalang tricycle driver sa Pasig.



“Uulitin po namin dahil MECQ at ipinakiusap lang natin na makabyahe ang tricycle ay kailangan sumunod ang lahat. Wala na po munang pakiusapan kapag nahuli. Impound po hanggang August 18," aniya.
loading...
Nagbigay din siya ng guidelines para sa mga babyaheng TODA:
  • Isa lang ang pwede sumakay.
  • Wala nang over pricing impound.
  • 20 pesos kada unang kilometro tapos 5 sa dagdag na kilometro.
  • Ang pinakamalayo (example Palengke - Kenneth 55 pesos)
  • Wala na pong maniningil ng sobra.





Narito naman ang number coding para sa lahat ng TODA:
  • MWF - 12345 ang pwedeng bumiyahe
  • TThS 67890 ang puwede bumiyahe
  • Sunday (august 9) 12345
  • Sunday (august 16) 67890

Ilang driver na rin ang nasampulan nila noong Martes, “ang titigas ng ulo. Sinabi na pong hinulihin ang coding. MECQ po tayo at nakiusap lang na makabyahe ang tricycle.”

“Kapag codung coding. Bawal lumabas. Kahit maghahatid ng kamag-anak. Bawal! Mamasahe o wag na muna lumabas. Kapag emergency purpose lang po pwede,” pakiusap niya sa mga tricycle diver.

Ayon kay Delos Santos, marami ang reklamo na kanilang natatanggap mula sa barangay San Joaquin at Barangay Rosario, “Special mention ang mga nanggagaling sa San Joaquin at yung ibang bumibyahe sa Rosario. Ang dami pong naging reklamo sa inyo...huhulihin po at wala munang pakiusapan.”

“Kami po ang nakiusap para makabyahe kayo kaya sana sumunod.lahat. Salamat po,” dagdag pa niya.

Matatandaang pinayagan ng Pasig LGU na bumyahe ang mga TODA sa kabila ng MECQ.

SHARE this news to our fellow Pasigueño!

Maki-balita sa PASIG sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!

pasig city government officials 2018  pasig city map  pasig city logo  population of barangays in pasig city  pasig city councilors 2018  pasig city hall mission vision  list of pasig city ordinances  pasig city health office vico sotto for mayor  vico sotto bar exam  vico sotto campaign  vico sotto height  vico sotto credentials  vico sotto vs eusebio  vico sotto cousins  vico sotto house