Binahagi ito ni Mayor Vico Sotto, kung saan makikitang namimigay ng face shield ang isang traffic enforcer sa mga tsuper. Aniya, ngayong linggo ay mamimigay muna sila ng mga face shield bilang paghahanda sa napasa nang ordinansa na pagre-require ng pagsusuot nito simula sa susunod na linggo.
loading...
“Pero next week mas strikto nang ipapatupad to– imbis na face shield ay ticket na ang iaabot sa inyo,” ayon kay Vico.“Bukod sa face mask ay kailangan may suot tayong FACE SHIELD kapag nasa pampublikong transportasyon* at indoors (opisina, tindahan, atbp),” saad pa ng batang alkalde sa guideline sa pagsusuot ng face shield. “HINDI kailangan ng face shield habang nagmamaneho, nagbibisikleta, o nag-e-exercise.”
READ: Wearing face shield is mandatory in Pasig
SHARE this news to our fellow Pasigueño!
0 Comments
Mag-post ng isang Komento