Ilang mga stall o tindahan sa loob ng Pasig Mega Market ang ipinasara ngayong Martes dahil sa paglabag sa health/safety standard protocol ng LGU.



Kwento ni Pasig City Mayor Vico Sotto:
loading...
"Napilitan din kaming pansamantalang ipasara ang iilang stall sa Pasig Mega Market."

READ: Pasig City MECQ Guidelines





Malungkot na inanunsyo ng alkade ang balita sa kanyang social media account, "Yung pagpapasara ng e-bingo, wala yun sa kin. Pero pag market vendor, masakit. Ayaw na ayaw kong gawin to.

"Pero hindi puwedeng hayaan lang kapag lumalabag sa minimum health/safety standards (lalo na yung pagsuot ng mask)." dagdag pa niya.

Kahapon ay matatandaang ipinasara din ng LGU ang isang E-bingo sa lungsod na ayon kay Sotto ay bawal pa ring mag-operate kahit sa ilalim ng GCQ.

"Di nagkulang sa paalala ang Market Admin natin. Sana sumunod na ang bawat manininda.. Hindi naman ito para sa akin kung hindi para sa kaligtasan ng bawat isa" aniya.

READ: Kaso ng COVID-19 sa Pasig lagpas 2,000 na!

SHARE this news to our fellow Pasigueño!

Maki-balita sa PASIG sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!

pasig city government officials 2018  pasig city map  pasig city logo  population of barangays in pasig city  pasig city councilors 2018  pasig city hall mission vision  list of pasig city ordinances  pasig city health office vico sotto for mayor  vico sotto bar exam  vico sotto campaign  vico sotto height  vico sotto credentials  vico sotto vs eusebio  vico sotto cousins  vico sotto house