May panawagan si Pasig City Admin Volta Delos Santos hinsi lang sa kanyang mga taga-subaybay kundi sa lahat ng mamamayan ng Pasig tungkol sa politika at paglaban sa COVID-19 pandemic.


Ayon sa kanya, marami siyang nakikitang pinag-uusapan na ang politika gayung taong 2020 pa lamang. “Today is August 16, 2020. And for the past months people are asking me about 2022. And a lot of politicians are talking about their plans for 2022 in public. Mababasa ito sa social media.”

Hindi naman daw masama ang pag-usapan ang politika pero hindi lang naaayon sa panahon ngayon kung saan nasa krisis tayo. “Wala naman masama pag-usapan. Pero sa panahon ng crisis at pandemya. Parang hindi dapat. Kung usapang magkakaibigan at walang nakakarinig na ibang tao. OK lang.”

Narito pa ang ilan sa kanyang pahayag:
loading...
“Hindi ko po minamasama ang ilang mga suggestion at paghimok. Nakakataba po ng puso. Lalo na sa mga kaibigan at mga bagong kaibigan na nagbibigay ng nakakataba ng pusong mga papuri. Pero hindi po ito napapanahon.

Sa tingin ko po ito ang nagiging hadlang sa matagumpay na laban sa covid.

Ang politika ay malayong malayo po sa public service. Magkaiba din po ang Public Service Announcement sa advertising. Galing po ako TV Network at naging advertising manager ng ilang kumpanya. Magkaiba po ito.




Bakit ko po ito sinasabi? Minsan kasi ako pa ang napapaisip. Minsan nakakapigil ito sa pagkilos. Baka isipin na katulad ng ilan na ang pagkilos ng mga departamento namin ay kilos politika bagkus na serbisyo publiko. Malayong malayo po ito at di namin iniisip.”

Sa huli ay pinakiusapan niya na unahin muna ang pagkilos laban sa COVID-19, “Please ceasefire muna sa politika. Kilos muna.”


“Nakakabahala ang sitwasyon. Pagnalutas na ang pandemya at tapos na ang krisis, Sige saka kayo mangampanya hehehe.” Dagdag pa niya.

Anong masasabi mo dito? I-comment ang iyong saloobin.

SHARE this news to our fellow Pasigueño!

Maki-balita sa PASIG sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!

pasig city government officials 2018  pasig city map  pasig city logo  population of barangays in pasig city  pasig city councilors 2018  pasig city hall mission vision  list of pasig city ordinances  pasig city health office vico sotto for mayor  vico sotto bar exam  vico sotto campaign  vico sotto height  vico sotto credentials  vico sotto vs eusebio  vico sotto cousins  vico sotto house