Inanunsyo kahapon ni Pasig City Mayor Vico Sotto na uumpisahan ng ipamahagi ang ayuda mula sa national government sa Pasig. 


Narito ang kanyang mensahe:

Bumaba na po sa LGU ang pondo mula sa Nasyonal para sa #AYUDA. Ito po yung inanunsyo ni Pangulo Duterte na tig-1 libo kada indibidwal, maximum 4 libo sa isang pamilya.
loading...
Ang natanggap po natin ay ₱681,743,000. Ibig sabihin may mabibigyan na 681,743 katao (hindi po lahat).

Ayon sa Joint Memorandum Circular mula sa DSWD, DILG, at DND, ito po ay ayuda para sa mga "Low-income Families" ngayong bumalik tayo sa ECQ. Nakasaad din po rito ang mga nasa prayoridad para makasama sa ayudang ito:

1. Mga pamilyang benepisyaryo ng National/DSWD SAP. (Susubukan nating mauna yung mga di pa nakakatanggap ng 2nd Tranche. Ibang topic na po yung 2nd Tranche pero sabi naman ng DSWD ay matatanggap niyo pa rin ito, inaayos daw po nila ngayon ang mga naging problema sa financial service provider.);

2. Mga WAITLISTED sa National/DSWD SAP;

3. Mga "VULNERABLE GROUPS" o "low-income individuals living alone, persons with disabilities (PWD), solo parents";

(4. May pang-apat pa po na "individuals affected by the ECQ", pero ito ay KUNG may matitira pa sa #1 hanggang 3.)


Antabayanan natin ang public posting ng listahan at schedule sa Pasig City Public Information Office . Para di tayo magkalituhan, WALA PONG IBANG FB PAGE NA AWTORISADONG MAG-POST NITO KUNDI PIO.

Inihahanda na rin po namin ang payroll para mapabilis ang proseso. Paalala lang po na hindi ganoon kadali magbaba ng ayuda para sa 681,743 katao, kaya aabot din po ito ng ilang linggo. 

Aminado man ang nasyonal at lokal na pamahalaan na kulang ito para sa mga higit na nangangailangan, malaking tulong pa rin ito sa ating Lungsod kaya magpasalamat po tayo sa Blessing na ito.

God bless and stay safe, mga Pasigueño!

SHARE this news to our fellow Pasigueño!

Maki-balita sa PASIG sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!

pasig city government officials 2018  pasig city map  pasig city logo  population of barangays in pasig city  pasig city councilors 2018  pasig city hall mission vision  list of pasig city ordinances  pasig city health office vico sotto for mayor  vico sotto bar exam  vico sotto campaign  vico sotto height  vico sotto credentials  vico sotto vs eusebio  vico sotto cousins  vico sotto house