Ibinahagi ni Mayor Vico sa kanyang social media post na:
loading...
Kahit na holiday ngayon, meron tayong 40 TEAMS na nag hahouse-to-house para ipamahagi ang ayuda mula sa Nasyonal.Para maiwasan natin ang mahahabang pila at pagkaka kumpol-kumpol ng mga tao–
(1) House-to-house tayo sa mga lugar na tinatawag ng DSWD na "POCKETS OF POVERTY". Walang announcement, basta pupunta na lang ang mga team. (kasi sa karanasan natin, biglang dumarami ang tao pag may announcement); at
(2) Cashless via PAYMAYA para sa mga pamilyang kasama sa DSWD SAP List. Susubukan nating unahin ang mga di pa nabigyan ng DSWD ng 2nd Tranche (pero HINDI po ito ang 2nd tranche at sabi ng DSWD inaayos pa raw po nila yon).
Gaya noong sinabi ko sa unang post ko, ( https://www.facebook.com/817103638348316/posts/3995578360500812/ ) ₱681,743,000 po ang natanggap natin mula sa nasyonal. Ibig sabihin, 681,743 katao at hindi po lahat ay makakatanggap.
Walang perpektong paraan sa distribusyon nito. Kahit 5 bilyong piso ay hindi pa rin siguro sasapat. Ngunit malaking tulong po ito sa ating Lungsod, at sisikapin nating maging smooth at LIGTAS ang pamamahagi nito.
Ngayong Araw ng Kagitingan, kung saan inaalala natin ang mga Pilipinong nakipaglaban para sa ating bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kinikilala at pinasasalamatan din natin ang mga frontliner na nagpapakita ng kagitingan ngayong panahon ng pandemya.
Stay safe and God bless.
Kahit na holiday ngayon, meron tayong 40 TEAMS na nag hahouse-to-house para ipamahagi ang ayuda mula sa Nasyonal. Para...
Posted by Vico Sotto on Thursday, April 8, 2021
Nauna nang inanunsyo ng Pasig News page na magbabahay-bahay ang Pasig LGU (hindi HOA o Baarangay officials) para pangunahan ang pamamahagi ng ayuda nitong Huwebes.
Ready for Tomorrow house to house Ayuda. WLa pong listahan na mang yayari Kaya stay lng kayo sa inyog mga tahanan.
Posted by Pasig News on Wednesday, April 7, 2021
SHARE this news to our fellow Pasigueño!
0 Comments
Mag-post ng isang Komento