Opisyal nang inilunsad ang pinakabagong programa para sa mga batang Pasigueño noong isang linggo: ang Malusog na Batang Pasigueño Program!


Layunin ng Malusog na Batang Pasigueño o MBP na masigurong nakukuha ng mga bata ang “basic nutrition requirements” para matugunan ang malnutrition sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan na maaaring nakakaapekto sa kanilang pag-aaral o “academic performance”.
loading...

Bawat food pack ay naglalaman ng mga pagkain na may “Sangkap Pinoy” seal o yung mga pagkain na may tatlong esensyal na micronutrients (Vitamin A, iodine, at iron) na makakatulong sa pagsugpo sa malnutrisyon at makakatulong din maging sa brain development ng ating mga mag-aaral.

Sa MBP, mas direkta ang tulong sa mga mag-aaral para masiguro na sila ay nananatiling malusog at may sapat na lakas para makapag-aral sa kabila ng pandemya.

Tinatayang aabot sa 148,000 estudyante mula sa mga pampublikong paaralan simula kindergarten hanggang senior high school, kabilang ang mga nasa SPED at alternative learning system o ALS, ang benepisyaryo ng MBP.

Vico Sotto

Noong May 17 - May 20 ay nakapaglibot ang distribution team sa 44 na elementary schools at high schools sa ating siyudad para magpamahagi ng MBP food packs kasama sina Mayor Vico Sotto at Congressman Roman Romulo, Education Committee Councilor Chairperson Corie Raymundo, at Pasig City Schools Division Office OIC Evalou Agustin.

SHARE this news to our fellow Pasigueño!

Maki-balita sa PASIG sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!

pasig city government officials 2018  pasig city map  pasig city logo  population of barangays in pasig city  pasig city councilors 2018  pasig city hall mission vision  list of pasig city ordinances  pasig city health office vico sotto for mayor  vico sotto bar exam  vico sotto campaign  vico sotto height  vico sotto credentials  vico sotto vs eusebio  vico sotto cousins  vico sotto house