FIXER AT IBA PANG SANGKOT SA ECQ-AYUDA MODUS, ARESTADO nitong Huwebes ng Pasig pulis. 


Narito ang buong detalye mula kay Mayor Vico Sotto :

loading...

Modus:
- Magbibigay ang "fixer" ng form sa mga tao. May mga nabigyan na taga ibang LGU.
- Sa 4,000 piso na ayuda, 1,000 ang sa tao/recruit nila. Yung 3,000 ,paghahatian ng fixer at validator.
- Iniimbestigahan pa ng pulis kung may iba pang sangkot dito.

Isang libong staff natin ang nagpapagod para maging maayos ang pamamahagi ng ayuda. Alam nating hindi kaya bigyan lahat ng cash ayuda mula sa nasyonal, pero basta't walang korapsyon o palakasan, ok tayo.

Pero di pa rin talaga maalis-alis sa utak ng ibang tao ang panlalamang sa kapwa.

May iba pang suspek. Ipapa-entrap din natin sila. Salamat sa mga impormante.

Sa mga MAGNANAKAW na nahuli at sa mga maaaring mahuhuli pa lang, pasensyahan nalang tayo. Hindi na kayo naawa sa mga taong nangangailangan, tapos ngayon KAYO PA ang magpapaawa?? Mas bagay kayo sa kulungan.

SHARE this news to our fellow Pasigueño!


Maki-balita sa PASIG sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!