Patuloy pa rin ang pamimigay ng ayuda sa Pasig City ngayong huling araw ng ECQ.

BASAHIN: Metro Manila at Laguna isasailalim na sa MECQ hanggang Agosto 31

Narito ang huling update ng city hall tungkol sa ayuda:

loading...

Sa ikawalong araw ng distribusyon ng ECQ ayuda, aabot sa halos PHP40M ang naipamamahaging cash ayuda mula sa nasyonal na pamahalaan -- kaya naman nasa PHP288M na ang kabuuang naipamahagi ng ating Ayuda Team. 


Sa expanded pockets of poverty sa limang barangay namahagi ng ECQ ayuda mula sa nasyonal na pamahalaan, grocery packs, at profiling forms para sa ating COVID-19 vaccination ang ating Ayuda Team kahapon, August 18, 2021.

Bagamat kinailangan na mas maagang mag-pack up ng ating teams kaysa sa normal na operasyon dahil sa  malakas na ulan, nasa 12,348 families o aabot sa 38,720 benepisyaryo pa rin ang napaabutan nila ng ayuda.

Tuluy-tuloy lamang po ang distribusyon ng ECQ ayuda sa mga expanded pockets of poverty hangga't hindi pa nalilibutan ang lahat ng mga barangay sa Pasig. 

PAALALA: Hindi po talaga mabibigyan ang lahat dahil hindi naman po sapat ang pondo para sa lahat ng nakatira sa Pasig. Iniiwasan din po natin ang pag-announce kung saan susunod na iikot ang ating teams para maiwasan ang pagdayo ng taga-ibang lugar sa ating lungsod sa araw ng bigayan ng ayuda.

BASAHIN: Mayor Vico, aminadong kulang ang pondo para sa cash aid

Para ma-access ang listahan ng mga nakatanggap ng ECQ ayuda  sa apat na barangay (partial pa lamang po ang mga ito), i-click ang link ayon sa barangay. Ang pagtatala at post ng mga pangalan ng benepisyaryo ay alinsunod sa probisyon ng DSWD-DILG-DND JMC No. 3, s. 2021:





SHARE this news to our fellow Pasigueño!


Maki-balita sa PASIG sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!