Isa ang Pasig City sa mga lungsod sa Metro Manila na nasa ni-lockdown o isinailalim sa Enhanced Community Quarantine simula noong ika-29 ng Marso hanggang ika-11 ng Abril taong 2021. Ang national government ay naglaan ng ayuda para sa mga lugar na sakop ng ECQ.


Ang Pasig ay nakatanggap ng P681,743,000.00 na halaga ng pinansyal na ayuda mula sa pamahalaang nasyonal. Subalit dahil sa dami ng Pasiguenong naninirahan sa lungsod ay aminado si Mayor Vico Sotto na hindi lahat ay makakatanggap ng sinasabing P1,000-P4,000 na ayuda kada pamilya o household.
loading...
Ito ang kanyang ibinahagi sa kanyang live video broadcast sa kanyang Facebook page kaninang tanghali.

"Nagpapasalamat po tayo sa pamahalaang nasyonal sa karagdagang ayuda nang bumalik tayo sa ECQ. 

So gaya po ng announcement ni presidente, hindi po lahat mabibigyan." pag amin ng alkalde. 

"Kung kaya naman po gagawin natin pero sa ngayon... hindi talaga sapat yung pondo para mabigyan ang lahat." dagdag pa nito. 

"Kaya kailangan unahin natin ang mas higit na nangangailangan... Kailangan po nating unahin yung mga 'pocket of poverty' na nasa listajanng DSWD." 

"Alam kong hindi perpekto ang listahan. Pero pag tinignan niyo naman po, pag natapos ang lahat ng ito, makikita niyo po yung average na nakatanggap, mas mahirap po don sa average na hindi nakatanggap." paliwanag ni Mayor Vico. 

Gayunpaman ay patuloy pa rin ang pagbabahay-bahay ng LGU upang maipahatid ang pinansyal na ayuda para sa mga 'pockets of poverty' na tinukoy ng DSWD.

Ang house-to-house distribution ng cash aid ay sinimulan ng 40 teams noong Biyernes, Araw ng Kagitingan.


Sa ngayon ay nasa P31,162,000.00 na ang naipamigay na ayuda sa pagbabahay-bahay at P126,504,000.00 naman ang nakalaan para sa PayMaya recepients.

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng MECQ ang Pasig City kasama ang mga lugar na kabilang sa NCR Plus.

SHARE this news to our fellow Pasigueño!

Maki-balita sa PASIG sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!

pasig city government officials 2018  pasig city map  pasig city logo  population of barangays in pasig city  pasig city councilors 2018  pasig city hall mission vision  list of pasig city ordinances  pasig city health office vico sotto for mayor  vico sotto bar exam  vico sotto campaign  vico sotto height  vico sotto credentials  vico sotto vs eusebio  vico sotto cousins  vico sotto house